Our Last Goodbye

Hindi pala talaga madaling magmahal lalo na kung yung taong mahal mo, kahit ayaw kang saktan, walang choice kundi gawin yun dahil sa mga bagay na pareho niyong hindi kontrolado.

Sabi mo, ‘don’t expect that I will be the same.’ Parang kutsilyo na naman yun na nakasakit sa akin. Ilang beses mo ba talaga ako kailangang saktan para tuluyan na kitang mabitawan? Ang tigas ng ulo ko noh. Pasensya ka na. Ipinaliwanag ko na rin sa’yo kung bakit nag-reach out pa rin ako. Dahil hindi ko kayang isipin na tuluyan kang mawawala. In any way possible, I want and need your presence. Kahit sa isip ko na lang.

Hindi ganoon kadaling makalimutan yung mga pinagdaanan natin. Yung mga memories nung mga araw na nasa tabi kita, hindi madaling bitawan. Unti-unti lang siguro… makakaya ko rin sigurong tanggapin na hanggang dito na lang. Salamat sa "reply…" Salamat sa tinukoy mong, "why, not?"

Bookmark and Share

One Response to “Our Last Goodbye”

  1. Maje Says:

    aha! what’s this?! explain… explain… hihi

Leave a Reply